Friday, September 25, 2009

Magsimula Ka



Magsimula ka, batiin ang
kay gandang umaga
Ng may ngiti sa iyong mga mata.
Sa pagkakaidlip, gumising na!
Ang buhay ay masaya.

Magsimula ka,
tuparinang pangarap mong tunay.
Habang ang lakas iyo pang taglay
Sa paghihintay, baka masanay.
Sayang naman ang buhay
mawawalan ng saysay

Iisa lang ang buhay mo,
kumilos ka, gamitin mo.
At kung may nais ang puso mo,
mangarap ka't abutin mo
Upang ito'y makamit mo
magsikap ka't simulan mo.

Magsimula ka,
pilitin ng tuklasin ang hanap
Magdanas man ng maraming hirap
Ang mithiin mo, pag naging ganap
Langit ng pagsisikap,
iyo nang malalasap.

0 comments: