Saturday, June 27, 2009

Ang “Makating Manok” at ang kanyang MGA “Palay”


Minsan, ang pag-big ay ‘di sapat. Upang ito’y isang maging ganap na kaligayahan, marami pa itong ingridyents na kay hirap mawari. Wala naman kaseng binibigay na pormula para maging Masaya sa pag ibig. E di sana’y wala nang umiiyak sa sakit ng loob, sana’s wala ng tumatalon sa tulay kapag heartbroken, e di sana’y walang kabit na sinusugod, sana’y wala ng pamilyang nasira…e di sana’y walang babae o lalaking sumasabay sa mga kantang “lintik na pag-ibig” o kaya ay “stupid luv” ng salbakuta. Pero may nakapagsabi sa akin na ang kaligayahan ay choice. Ibig sabihin, magiging ganap lamang ang iyong kaligayahan kung pipiliin mong maging totoong maligaya. Kaya nga lang, upang magawa mo ang desisyong ganito, dapat kase may basehan diba? Luka luka lang naman ang nagdedesisyon ng walang kadahilanan…kelangan mo ng dahilan.

Ngayon, sa mga pusong sawi at nasaktan ng mga “taong hindi mapigil ang kati sa katawan”, kay hirap magdesisyong maging maligaya. OO, sobrang sakit. Wala na sigurong mas sasakit pa sa makalimutan ang lahat ng pangako at pinagsamahan dahil lamang sa tawag ng laman…sabagay, sa palay na lumalapit, may manok na nag-aantay. Subalit, kelangan nga bang lahat ng palay ay tukain? Kapag busog naman kase na yung manok, e di sana din a tutuka diba? Pero gutom e, me problema ata sa naunang palay na tinuka. Maaaring kulang, maaaring panis na, maaaring nakakasawa na, maaaring gusto lang makatikim ng iba, maaaring “basta” lang.

Samantala, karaniwang ang mapagbubuntunan ng galit at ang “palay na lumapit”. Subalit tulad mo rin, sa totoo lang, biktima rin siya ng siraulong manok na wala ng ginawa sa buhay kundi ang tumuka, ang “busugin ang pangangailangan” ng walang pakundangan sa kung anong klaseng basura at kalat ang naiwan niya ng halukayin niya ang lupa para sa mumunting butil ng makasalanang palay.

Subalit sa mga palay na nabiktima ng ganitong klaseng manok, marahil ay kelangan lang matuto. Nakakatakot umasa sa nilalang na maaari kang ipagpalit ng basta basta…nakakatakot magmahal sa mga nilalang na pupwede kang bitawan sa ere, lalung lalo ng sa panahong kelangan siya. Sa wari ko’y, ang mga lalaki ay masasandalan, subalit sa nangyari, masahol pa sa kabaklaan ang Gawain ng “makakating manok”. Kase ang bakla, kahit papano, bago sila tumuka ng papa, nag-iisip. Yun lang, nag-iisip.
NAG-IISIP!!!

Sa “palay na lumapit” hangad kong makamit ang reyalisasyong iniilang-givs ko para makumpleto at maliwanagan ang buhay ko. Mapalad ka kung mapagtitino mo ang “makating manok” na pinili mong lunukin ka ng buong buo. Sa totoo lang, malaki ang pagpapasalamat ko sayo. Kase gaya ng ibang palay na naisantabi, kami ay tutubo, makikisagupa sa bagyong taun-taon ay dumadalaw sa Pilipinas, mabubuhay, araw-araw na makikipaggirian sa init at sikat ng araw at makikiindayog sa saliw ng hangin, kasama ang mga kapareho kong tumubong palay na pagdating ng panahon ay pagkakalooban ng ginintuang katawan…parang liwanag na magtutukoy sa daan patungo sa aming ganap na kaligayahan.Samantalang ikaw...lamang tiyan.

0 comments: