Tuesday, June 30, 2009

Gising!!!!

Panahon nang magising Windang,mabuhay ka. susmaryosep, kadami-daming dapat gawin, wag ka ng mag-aksaya ng oras. Hindi ikaw ang nagkamali kaya't wala kang dapat ikahiya.

Hindi ikaw ang nagtaksil at hindi ikaw ang nang-agrabyado. Hindi ikaw ang nagkasala at hindi ikaw nagmantsa sa pangalan at kinabukasan ng anak mo. sa buhay na ito, isa lamang ang totoo. ang mga pagkakamali ay pinagbabayaran. isipin mo na lang, nagkamali ka rin sa iyong buhay diba? isipin mo yung sakripisyong kinailangan mong gawin upang maitama iyon, upang maitama ang buhay mo. isipin mo na rin kung gaano siguro kahirap ang pagbabayaran ng mga tumrantado sayo. isang madikit na sumpa ang dinidikit ko sa makakating yon...demonyo lang ang nakakaligtas sa kamunduhan...palagay ko'y ilang beses mo nang sinumpa ang mga nilalang na iyon...maraming beses na minura sa lahat ng santong alam mo...maatim mo bang magtiwala sa ganung klaseng tao? maatim mo bang maging kaloob ng buhay mo ang ganung makasariling tao? maaatim mo bang tawaging tatay ng anak mo ang ganung taong kay babaw ng pananaw sa respeto, tiwala at pangako? makasarili at walang moral sa buhay? palagay ko hindi.

sige inum pa, sige hithit pa, oras na mapagod ka, humarap ka sa salamin, kilalanin ang mas maliwanag na umagang sasalubong sayo...

pero sa ngayon, pahirin na ang luha, singhutin mo na ang uhog, hilamusin mo na ang sambakol mong mukha...magkape ka at magpahinga...sa umaga pag gising mo, itigil mo na yang kagagahan mo... tuloy pa rin ang buhay kahit na sa nasasaktang tulad mo. ngayon lang yan, naunahan ka lang umayaw...baka bukas, ayaw mo na rin diba? una-unahan lang yan...mabuhay ka! dahil may buhay pa pagkatapos nito...at matatapos din to. makikita mo rin...

0 comments: