Tuesday, May 19, 2009

Esep Esep

okay pala yun, pag minsan binigay mo lahat lahat sa relationship, okay din pala. kahit na anu pa man kahihinatnan nun, wala kang talo...kase pag talagang ginawa mo na lahat lahat...mas madali na lang mag move on...sa simula, magagalit ka. mas pipiliin mong magalit kesa maawa sa sarili mo. kakanta ka ng irreplaceable ni beyonce saka if I were a Boy. Eventually, kakanta ka na lang ng mga uplifting songs...then pag napag isip isip mo, di pwedeng ganun ganun lang, huhugutin mo celfone mo at magtetext ng kung anu ano, maglalasing, magwawala, magkakalat, masusuka, magsasayaw, magwawala ulit at saka ka na mapapagod...once na napagod ka na at wala ka ng mahugot , amuubusan ka na ng rason na magwala pa...paunti unti, babalik ka sa dati mong sarili, gagampanan mo yung daily chores mo, yung pang araw araw na ikaw...kahit na maiisip mo siya, okay pa din kase binigyan ka niya ng kalayaan na makilala ang hangganan mo bilang ikaw, malalaman mo kung hanggang saan ang tinagal mo, at kung bakit di mo na pinili pang magtagal dun...andami daming nagpakatanga tanga sa pag ibig, pero mangilan ngilan lang ang nagpakatanga sa buhay...at least, sa buhay ko, di ako mabubuhay sa what if dahil ginawa ko lahat...tanga man yun sa mata ng iba...magmamahal ka na rin lang, itodo mo na...bakit ka mahihiya sa mga pinaggagagawa mo kung yun ang katotohanan ng buhay mo...bakit, pag inisip mo ba sasabihin ng iba, pag pinalakpakan ka nila, garantiya na ba yun na magiging masaya ka? minsan naisip ko, ang poag ibig, andamong kakorinihan, andaming kaeklatan, pero eto lang masasabi ko, kung anuman yung mga magagawa nyo dahil nagmahal kayo, gawin nyo. kahiya hiya man, gawin nyo. kase sa ikli ng buhay na to, pwedeng bukas mawala ka na lang bigla, at least maiisip ng mga taong pinahalagahan mo, "oo, minahal niya ako walang duda"...wala ng mas mahalaga pa sa buhay kungdi yung mga karanasang makukuha mo rito...pare, maikli lang ang buhay. kaya ako ang mga natitirang oras ko sa araw araw, binibigay ko sa mga taong importante sa buhay ko. para kahit anong oras...masasabi nila..."ah si wendy, Nagmaha 'yan, tumodo yan, NABUHAY yan. sa pagbaba at pagtaas ng buhay niya, kasama kami dun, di namin siya makakalimutan..."

1 comments:

Phoebe said...

grabe..ang tindi...and i thought i've realized enough sa lahat ng pinagdaan an ko, di pa pala..u've realized more..but really, pareho tayo wends..pag nagmahal todo, pag nagpahalaga todo, pra at least kung di magwork-, we can say n di tayo ang nagkulang, sobra-sobra pa nga...

umagang-umaga, paluluhaiin mo ako dahil d2 sa post mo..kaw talaga..while reading it, bumabalik din sa isip ko lahat-lahat ng pinagdaanan ko..buti k nga, sa isang yan, sobrang dami mo ng natuto..ako, kailangan makatatlo pa pra maging super matatag...sbi nga nila, katangahan dahil pinaabot ko pa ng tatlo..eh ano ngayon, at least bago mn lng ako mwala sa mundong ito eh naranasan ko ang essence ng pagiging nanay di ba?

anyways, kasing-haba n ata ng post mo ang comment ko..hahaha..bsta, masasabi ko lang, magpakatatag k lang..malalagpasan mo din yan..isipin mo n lng parati si boboy mo..(hmmm..parang linya mo din ata sakin yan dati ah..) hehehe

o siya, tama n nga...bsta wends, if u need someone to talk to, I'm just a YM away.. "wink"